Lagi akong nakasimangot at badtrip tuwing Lunes dahil, wala mang pasok, yun naman ang araw na kailangan ko na bumalik sa elbi. pagdating sa elbi, buong linggo naman ako masasabik at hihilingin na Biyernes na para makauwi na ako. Mahirap. Nakaka homesick. lalo na sa una... pero habang tumatagal unti unti rin nasasanay. Di ko man masasabi na sanay na sanay nako, pero masasabi ko naman na malaki na ang pinagbago ko mula nung unang linggo ng pananatili ko sa elbi. sa katunayan, marami-rami na rin ako natutunan at nalaman tungkol sa buhay elbi. kaya naman naisipan ko ipamahigi ang ilan sa mga bagay na aking natutunan o mga kailangan tandaan sakaling gusto mo mag survive sa kagubatan este, Unibersidad pala ng Pilipinas, Los Banos...
ang pinaka unang masasabi ko at sa palagay ko rin ay pinaka importante ay PAYONG. importante magdala ng payong san man magpunta dahil 1.) MAINIT 2.) hindi mo malalaman kung kailan bubuhos ang ulan. 3.) maaari itong panangga sa mga falling debree tulad ng sanga, bunga, o bato mula sa construction site =)) at maidagdag ko pa... MAS COOL PAG MAS MALAKI ANG PAYONG MO.=)))
pwede ka magsuot ng tsinelas, sleeveless, shorts, etc. pero kung ayaw mo magka TAN LINE... eh siguraduhin mong magsasunblock ka. :)) LALO NA KUNG SA PAA. kaya nga isa o dalawang beses lang ako nagtsinelas at mas gusto ko pa rin nakasapatos.
malamang sa malamang may klase na magkakasunod at MAG KAKALAYO NG BUILDING. kaya dapat maging strategic ka. alamin ang mga shortcuts patungo sa iba't ibang building, kung ayaw mo ma-late:D
maghanda ng barya...pang jeep. iwasan magbayad ng 100 o higit pa kung mag isa ka lang naman=)) kawawa naman si manong driver sa pagsusukli. :)) bumamaba at sumakay din sa tamang lugar...dun sa may dilaw na linya :))
meron din namang mga klase na malaki ang oras ng pagitan. dapat din strategic ang pag gamit ng mga vaccant period. :D para sakin, pwede ka bumalik sa dorm para kumain, pumetiks o matulog kung meron kang 2 oras o higit pang vaccant. pero siguraduhin mong MAG AALARM KA at siguraduhig GIGISING SA TAMANG ORAS. (muntik na ko ma-late dahil nakatulog ako at hindi nakapag alarm.hehe)
maging friendly. inaamin ko na hindi pa ako ganon ka pala-kaibigan sa lahat. pero sinusubukan ko na. mas maiigi kasi na makilala mo ang mga taong madalas mong kasama. Mahirap makipag kaibigan lalo na sa large class, pero ganon pa man mas mahirap naman kung wala kang kakilala. Mainam na magkaroon ng mga kaibigan at karamay sa mga pinagdadaanan at pagdadaan pa sa pananatili sa elbi.:D
maraming masarap at murang kainan. kaya masarap mag food trip. =)) nakaksawa naman kasi kung pare-pareho ang kakainin mo araw araw. kaya mas mabuti maghanap din ng mga iba't ibang masarap na kainan. :> (tulad ng Faustina's♥) hahaha.
..pagdating naman sa pag-aaral o academics...
Matuto mag take down notes....ng mabilis.:)) NAGLILIPARAN KASI ANG PPT. SLIDES EH @-) yung tipong magsisimula ka pa lang magsulat, pag tingin mo ulit, ibang slide na :-j
maghanda ulit ng barya.. :D pang photocopy ng handouts at reading materials :>
pagdating ng exam/midterm season, bumili na ng blue book at wag kalimutan dalhin. naransan kong kalimutan dalhin ang blue book ko buti na lang may malapit na tindahan o mabubuti at responsableng kaklase na may dalang extra :D ..hindi lahat nagpapagamit ng bluebook, pero mabuti nang sigurado :))
mag advance reading. hindi ko pa to nagagawa pero kailangan talaga kung gusto mong makasunod sa lecture=))
aralin ang previous lesson niyo bago ka pumasok sa klase. baka may quiz :D minsan din nagpapaquiz tungkol sa homework. siguraduhing tama ang inaaral :| (nag-aral kasi ako tungkol sa previous lesson, tapos yung hw pala ang ipapaquiz, tapos nung nag-aral naman ako tungkol sa hw, yung previous lesson naman ang quiz=)):-|) saklap.:))
wag sumuko agad. kung bumagsak ka o nahihirapan lagi mo tandaan na may paraan pa para bumawi at kakayanin mo kung magsisikap ka at may kagustuhan ka namang pumasa at matupad ang mga nais mo. Nandiyan naman ang mga kaklase, kaibigan, at mga guro para tulungan ka. wag din kakalimutan magdasal lalo na sa mga panahon na parang gusto mo na sumuko at bumitaw. :> siguradong tutulongan ka Niya at di ka pababayaan. :)
siguradong marami pa kong maidadagdag diyan, pero sa ngayon, yan ang mga bagay na nakatulong sakin at lagi kong tinatandaan. Umpisa pa lang at tiyak marami pa kong kailangan malaman. Marami pa akong ibang bagay na pagdadaanan. At kahit na may mga panahon na nag dadalawang isip ako kung tama ba ang desisyon kong mag-aral sa UPLB, masasabi ko sa mga oras na 'to na masaya ko na ito ang pinili ko. Pinag mamalaki ko na isa na ko ngayong iskolar para sa bayan. :)